Government Broadcast, magiging Competitive na sa Private Companies

Manila, Philippines – Tiniyak ni Communications Secretary Martin Andanar na magiging competitive na ang lahat ng broadcast stations at publishing offices nito sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Andanar, ito ay dahil lumagda na ang Presidential Communications Office at ang China International Publishing Group on News and Publishing ng kasunduan o Memorandum of Understanding.
Sa pamamagitan aniya nito ay magkakaroon ng news and information exchanges sa pagitan ng PCO at Chinese Counterpart nito na siya namang magbibigay aniya ng mas epektibong paghahatid ng tamang importmasyon ng government media patungkol sa mga programang ginagawa ng Administrasyon.
Magbibigay din aniya ng training ang gobyerno para sa international communication and publishing para sa mga personnel ng radio at TV stations at publishing office ng Gobyerno.
Ibinida din ni Andanar na umpisa pa lamang ito sa mga proyektong magpapataas ng kalidad ng pagbabalita ng pamahalaan sa nalalapit na mga buwan at makasasabay na ang mga government broadcast stations sa mga pribadong kumpanya.
DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments