Government official na lumabag sa quarantine protocol, mapapanagot – Nograles

Tiniyak ni Cabinet Secretary Carlo Nograles na patas na ipinatutupad ang batas sa lahat lalo na sa mga lumalabag ng quarantine rules.

Ito ang kanyang tugon sa mga batikos na malambot ang pamahalaan sa mga quarantine violators na may matataas ang posisyon habang mahigpit sila sa mga ordinaryong mamamayan.

Ayon kay Nograles, ano pa man ang katayuan sa buhay, kapangyarihan o impluwensya ay mapaparusahan kung nilabag nila ang pakataran para sa community quarantine.


Kapag nahuli ang isang government official na lumabag sa quarantine rules ay mahaharap sa reklamong administratibo at kriminal lalo na at sila ay public servants.

Ang mga government officials na lalabag sa quarantine orders, sinabi ni Nograles na mayroong civil service rules at regulations para sila ay disiplinahin.

Bukod dito, ang Office of the Ombudsman ay isa sa paraan din para mapanagot ang mga opisyal na lumalabag sa alinmang patakaran.

Nabatid na muling nahaharap sa kontrobersiya si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas dahil sa protocol breach at nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments