Government Peace Panel, dudang magdedeklara ng unilateral ceasefire ang CPPNDF; usapang pangkapayapaan, nakatakda nang gawin bukas

Manila, Philippines – Duda si Government Peace Chief Negotiator at Labor
Secretary Silvestre Bello III na magdedeklara pa rin ng unilateral
ceasefire ang CPP – NPA – NDF.

Kasunod na rin ito ng naging pahayag ng Malacañang na walang balak ang
pamahalaan na tapatan ang planong pagdedeklara ng tigil-putukan ng
komunistang grupo.

Una rito, sinabi ni Bello na hindi magdedeklara ng ceasefire ang gobyerno
sa NPA dahil mas interesado aniya si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda
ng isang bilateral ceasefire agreement.


Bukas, April 2 – sisimulan na ang ika-apat na round ng peace talks sa
pagitan ng gobyerno at komunistang grupo sa The Netherlands at tatagal ito
hanggang sa April 6.

Kabilang sa mga posibleng matalakay ang hinggil sa revolutionary tax,
Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reform at ang isyu sa battle zone
na maglilimita sa mga pwedeng galawan ng militar at npa para maiwasan ang
engkwentro.

Facebook Comments