Pangulong Duterte, tiniyak ang publiko na hindi aangkinin ng China ang Benham Rise

36

Manila, Philippines – Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na
aangkinin ng China ang Benham Rise.

Sa ginanap na “Digong’s Day For Women” sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na
siniguro sa kanya ng China na hindi nila pakikialaman ang Benham Rise.

Binigyang diin pa ng Pangulo na ang Benham Rise ay bahagi ng continental
shelf ng Pilipinas.

Dagdag pa ng Pangulo – hindi nangingisda ang mga Chinese fishermen sa
Benham Rise.

Muli ring iginiit ng Pangulong Duterte na darating din ang tamang panahon
para igiit sa China ang desisyon ng United Nations Arbitral Tribunal.

Sa ngayon, ipinagmalaki ng Pangulo na pumapasok na ang tulong pinansyal na
ibinibigay ng China sa bansa.

Facebook Comments