Government peace panel para sa CPP-NPA-NDF tinunaw na ng Malacañang

Dahil walang nagaganap na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno at ng Communist Party of the Philippines, New peoples Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF ay tuluyan nang binuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Government of the Republic of the Philippines Peace Negotiating Panel.

 

Sa mga ipinadalang sulat ng Office of the President na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea at agad ang effectivity ng terminasyon ng nasabing Panel na pinangungunahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na tumatayong Chairman habang tumatayo namang miyembro sina Antonio Arellano, Angela Librado Trinidad at Rene Sarmiento.

 

Inatasan din naman ang mga ito na agad na ibigay sa sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process na pinamumunuan ni Sec. Carlito Galvez Jr. ang mga papeles o mga dokumentong nasa kanilang pagiingat.


Facebook Comments