Manila, Philippines – Malapit nang mapanood ang mga programa at video ng pamahalaan hanggang sa mga liblib na lugar na hindi abot ng signal ng government TV at radio station.
Aton kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, nagbigay ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa proyekto ng PCOO na Government Satellite Network o GSN sa 2018.
Ayon kay Andanar, kayang mag-transmit ng mga government video, images, audio at data content ang GSN hanggang sa mga malalayong isla at bulubunduking lugar sa bansa sa pamamagitan ng advance satellite at IP-TV technology o Internet Protocol television.
Binigyang diin ni Andanar na maaaring mailatag ang naturang proyekto sa 42,000 barangay hall sa buong bansa, mga PCOO attached agencies at Out of Home media nationwide sa loob ng 6 na buwan oras na maplantsa na ang lahat ng legal work kabilang ang bidding matters.
Samantala, kabilang naman sa mga manunumpa ngayon sa mga bagong opistal ng pamahalaan ay ang kontrobersyal na si Sandra Cam na itinalaga bilang miyembro ng PCSO board of directors.