BAGONG BIHIS | Bagong Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang, ipatutupad ng PNP

32

Manila, Philippines – Bagong Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang ang ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) matapos silang bigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng “go signal” sa muling pagsasagawa ng anti-drugs operation.

Sa interview ng RMN, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos na sa ilalim ng bagong derektiba ng Chief PNP, mahigpit na ipapatupad ang paggamit ng body cameras sa mga drugs operation bilang bahagi ng kanilang transparency.

Mas paiigtingin din aniya ang internal cleansing sa PNP upang maubos na ang mga police scalawag.

Ayon kay Carlos, target nila ngayon ang mga nasa street level na bentahan ng drugs.

Sinabi naman si Carlos na kahit na hindi maiiwasan na maging madugo ang muling pagsasagawa ng war on drugs, umapela pa rin siya sa publiko na makipagtulungan sa PNP.

Facebook Comments