GOVERNMENT TO GOVERNMENT SCHEME | Proseso ng bidding sa pag-angkat ng bigas, isasagawa na ngayong araw – NFA

Manila, Philippines – Bubuksan na ngayong umaga ng National Food Authority (NFA) ang bidding process para sa pag-angkat ng 250,000 metric tons ng bigas sa ibang bansa sa pamamagitan ng government to government scheme.

Ang public bidding ay gagawin sa National Meat Inspection Service Building sa Quezon City at inaasahang mapabilang ang bansang Vietnam at Thailand sa mga sasali kung saan may existing rice trade agreement ang Pilipinas.

Sa mapapalad na winning bidder, bibigyan ito ng NFA ng apat na araw mula sa Abril 30 hanggang Mayo 4 para maglagak ng performance bond, kasunod ang pag-iisyu ng notice to proceed sa Mayo 7.


Pagkatapos nito, maaari nang simulan ng winning supplier ang shipment ng bigas sa bansa.

Pagtiyak pa ng NFA, ang parating na angkat na bigas ay agad na ipapamahagi sa mga lugar na lubhang nangangailangan ng suporta ng gobyerno lalo na sa mga lugar na may matindi ang kahirapan.

Ibebenta ito sa pamilihan sa presyo na 27 at 32 pesos kada kilo kasabay na rin ng mahigpit na monitoring na isasagawa ng NFA para matiyak na ang makikinabang nito ay ang mahihirap na pamilya.

Facebook Comments