Government-to-government transaction sa pagbili ng pataba, iginiit ni Pangulong Marcos

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na dapat ay government-to-government ang magiging pagbili ng pamahalaan sa mga fertilizer o pataba.

Ayon kay Pangulong Marcos, sa ganitong paraan ay mas makakamura ang pamahalaan at aabot ang epekto nito hanggang sa mga magsasaka.

Kung makakabili kasi aniya ng mas murang abono ang pamahalaan ay maibibigay rin sa mga magsasaka ang kailangan nilang pataba sa mas mababang presyo.


Dagdag pa ng pangulo, ito rin ang dahilan kaya nakikipag-usap ang gobyerno sa mga kaibigang bansa, na maaaring mapagkunan ng fertilizer.

Diin pa ni Pangulong Marcos na hindi kayang kontrolin ang price increase sa fertilizer dahil may epekto rin dito ang pagtaas ng presyo ng langis at natural gas.

Facebook Comments