90% ng pampublikong paaralan sa bansa, magsasagawa ng face-to-face classes sa unang araw ng pasukan

103

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na nasa 90% ng 47,000 public schools sa bansa ang magsasagawa ng face-to-face classes sa Agosto 22.

Mas mataas ito kumpara sa 76% ng mga pampubikong paaralan na nagsagawa ng in-person classes noong 2021.

Ayon kay DepEd Undersecretary Epimaco Densing III, inaasahan ng DepEd na tataas pa ito sa 90%.


Dagdag pa ni Densing, 10% naman ng mga pampublikong paaralan ay magpapatupad ng blended learning gayundin ang karamihan sa mga pribadong paaralan hanggang Oktubre 31.

Sa pagbubukas ng klase sa Agosto 22, may opsiyon ang mga paaralan na magsagawa ng remote classes, blended learning mode, o in-person classes.

Gayunpaman, lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ay kinakailangang magsagawa ng in-person classes pagdating ng Nobyembre, alinsunod sa DepEd Order No. 34.



Facebook Comments