Governor Dy, Bukas sa Localized Peace Talks

48

Ilagan City, Isabela – Handa at bukas pa rin si Governor Faustino “Bodjie” Dy III sa magiging kalalabasan ng isinusulong na localized peace talks sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng NPA.

Ito ang kanyang naging pahayag sa panayam ng RMN Cauayan News Team sa ginanap na pulong kamakailan.

Ayon kay Governor Dy, ito ang isa sa kanyang mga isinusulong bilang chairman ng Regional Peace and Order Council sa lambak ng Cagayan.

Ngunit dahil ideklarang terorista ni Pangulong Duterte ang grupong NPA, mukha umanong malabo sa ngayon at kailangan munang ipagpaliban ang nasabing usapang pangkapayapaan.

Bagama’t handa pa rin umano ang gobernador na magkaroon ng localized peace talks sa rehiyon, partikular sa kanyang nasasakupan, ipapaubaya na lang muna nito sa mas nakakataas kung ano ang makakabuti.

Dagdag pa ni Governor Dy, handa rin niyang suportahan ang anumang posibleng pagbabago sa pasya ng pangulo ukol sa mga rebeldeng grupo.

Facebook Comments