Manila, Philippines – Ipapa-subpoena na ng Kamara si Ilocos Norte Governor Imee Marcos para mapaharap ito sa imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability Committee.
Ito ay kaugnay sa iregularidad sa paggamit ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte sa bahagi ng lalawigan sa tobacco excise tax na pinambili ng mga sasakyan ng lokal na pamahalaan.
Sa resolusyon ni House Majority Leader Rodolfo Farinas nasa 66.4 million na pondo mula sa tobacco funds ng Ilocos Norte ang ginamit ng lalawigan para ibili ng mga sasakyan.
Labag umano ito sa batas dahil ang bahagi ng lalawigan sa nakokolektang tobacco excise tax ay dapat para lamang sa mga tobacco farmers.
Si Marcos ay hindi muli nakadalo ngayon sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa isyung ito dahil naka sick leave ang gobernador.
DZXL558