Health Secretary Paulyn Ubial, positibo na makukumpirma ng Commission on Appointments

Manila, Philippines – Positibo si Health Secretary Paulyn Ubial na makukumpirma na ito ng makapangyarihang Commission on Appointments.
Ito sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo sa kanyang confirmation bilang kalihim ng Department of Health.
Ayon kay Ubial – palagi itong positibo lalo nat marami aniya ang sumusuporta sa kanya.

Kabilang sa mga naghain sa CA ng pagtutol sa confirmation sa kalihim ay sina ACTS OFW Party-List Rep. Aniceto Bertiz, Kabayan Party-List Rep. Harry Roque, at ang abugadong si Atty. Restituto Mendoza.

Si Ubial ay sasalang sa confirmatory hearing ng C-A Committee on Health na nakatakda bukas.
DZXL558


Facebook Comments