Humingi ng paumanhin si Cagayan Governor Manuel Mamba sa Muslim community sa ibang konteksto ang ibinunga ng kaniyang pahayag sa Senate Committee hearing patungkol sa Muslim community.
Ito ay may kaugnayan sa pahayag niyang ngayong “Walang Muslim sa Cagayan kaya maganda ang kalagayan ng peace and order situation sa lalawigan”.
Sa isang kalatas pambalitaan na nakuha ng DZXL-RMN Manila, nilinaw ni Gov. Mamba na wala siyang intensyong insultuhin ang mga Muslim.
Hindi aniya sinasadya na hindi nabigyang-diin na ang tinutukoy nito ay ang kawalan ng presensiya ng extremists sa Cagayan kaya walang dapat ikatakot ang mga mamumuhunan.
Aniya, malapit ang Muslim Community sa Cagayan lalo na sa Tuguegarao City at may malusog na ugnayan.
Sa katunayan, may mga kapatid na Muslim na binigyan ng trabaho ng noong umupo itong gobernador sa lalawigan.