Kapwa nagpahayag ng kanilang suporta sina Cotabato City Mayor Atty. Cynthia Guiani Sayadi at Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu sa extension ng martial law sa Mindanao. Para kay Mayor Sayadi hindi maikakaila na malaki ang naitulong ng martial law sa lungsod dahil nabawasan ang mga illegal activities ng mga kriminal.
Ganito rin ang pananaw ni Maguindanao Gov. Mangudadatu, magkaiba aniya ang martial law noon sa martial law ngayon. Aminado siyang malaki ang naitulong ng martial law na mabago ang peace and order sa lalawigan at nabawasan din ang mga criminal activities ng mga masasamang loob.(Amer Sinsuat)
Facebook Comments