Governor Manuel Mamba ng Cagayan, Kinundena ang Pagpaslang Kay Father Ventura!

Cauayan City, Isabela – Mariing kinundena ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang nangyaring pamamaril ng riding in tandem kay Father Mark Anthony Ventura sa Barangay Pena Weste, Gattaran Cagayan kamakailan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Governor Mamba, isa umanong karumaldumal na krimen ang ginawa sa isang napakabait at napakabatang pari na nasa murang taon ng pagsisilbi sa diyos at taong bayan.

Sinabi pa ng gobernador na hanggang sa ngayon ay hindi niya maintindihan na basta na lamang pinatay ang isang napaka-idealistic na pari.


Nanawagan si Governor Mamba sa lahat na makipagtulungan sa pagkakakilanlan at pagkakahuli ng dalawang suspek na bumaril kay Ventura.

Naniniwala si Mamba na sa lalong madaling panahon ay mahuhuli rin ang mga salarin.

Samantala kaugnay sa mga lumabas na maaring motibo ng pagpaslang lalo na sa umanoy informant ng pamahalaan si Father Ventura laban sa NPA at ilan sa mga adbokasiya ay hintayin na lamang umano ang tamang resulta ng imbestigasyon ng kapulisan.

Facebook Comments