GOVERNOR RAMON GUICO III, HUMILING NG PAGKAKAISA SA MGA NANALONG BARANGAY OFFICIALS NOONG BSKE 2023 NGAYONG KAPASKUHAN

Pormal nang pinasinayaan ang official lighting ceremony sa Provincial Capitol Complex sa bayan ng Lingayen kahapon, unang araw ng Disyembre.
Bahagi ng talumpati ni Pangasinan Governor Ramon Guico III ang panawagan nito sa mga bagong halal na opisyal partikular na sa mga Barangay na magka-isa dahil bahagi ito ng kanilang trabaho bilang isang lingkod-bayan ng probinsya ng Pangasinan.
Dagdag pa niya, pinupuntahan at kinausap niya ang mga lugar na hindi niya nakasama noong halalan.

Aniya pa, hinihikayat umano ang mga lider na sumama sa kanila ngunit kanya ring nirerespeto ang desisyon ng mga ito.
Bukas ang kanyang opisina sa mga nais mag-open-up at makipag-tulungan sa pangunguna ni Guico. |ifmnews
Facebook Comments