PERFORMANCE MANAGEMENT REVIEW NG DTI REGION 1 ISINAGAWA SA PANGASINAN

Isinagawa dito sa lalawigan ng Pangasinan ang Performance Management Review ng Department of Trade and industry o DTI Region 1.
Pinangunahan mismo ito ni Regional Director Grace Baluyan kung saan ay isinagawa ito sa bayan ng Lingayen.
Ito rin ang ikaapat na pagkakataon na isagawa ang nasabing review sa performance ng mga opisyal ng DTI kung saan ay kasama sa mga dumalo ang mga miyembro ng Management Committee o MANCOM at mga kawani ng Regional at Provincial Office ng DTI.

Layon nito na ma-review ang kanilang performances at mapag usapan ang mga Pwedeng estratehiya upang ipaabot ang mithiin ng Departamento na serbisyong higit pa sa inaasahan.|ifmnews
Facebook Comments