Gov’t qualifications, madaling malalaman ng publiko sa tulong ng Radyo Trabaho at CSC

Mas mapapansin pa ng publiko ang mga oportunidad at mga programang alok ng pamahalaan.

Ito ay matapos magkaroon ang courtesy call ang Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila sa Civil Service Commission (CSC) kahapon, Mayo a-tres.

Sa pangunguna ni Ms. Ericka Canoy-Sanchez, RMN Vice President for Marketing and Content – inilatag ng RT team ang mga programa sa ilalim ng Radyo Trabaho block bilang plataporma ng CSC sa paghahatid ng impormasyon at tulong, lalo na sa mga nais magtrabaho sa gobyerno.


Sinabi naman ni CSC Director IV, Chief of Staff Atty. Carlo Bala – mas mapapadali na ang paghahanap ng trabaho lalo at inilunsad nila ang ilang online platforms.

Pero malaki rin aniya ang maitutulong ng Radyo Trabaho partikular ang programang Centro Serbisyo para talakayin ang mga kwalipikasyon sa gobyerno.

Ayon kay CSC Public Assistance and Information Office Director III Ma. Theresa Fernandez – maliban sa government employment, mahalagang malaman din ng publiko ang impormasyon tungkol sa eligibility, hiring process at mga exams na alok ng CSC.

Pagtitiyak pa ni Ms. Erika na agad aayusin ang isang kasunduan para pagtibayin ang samahan ng Radyo Trabaho team at tanggapan ng CSC.

Facebook Comments