Motorcade ng RT team, aarangkada ngayong araw!

Iikutin ng Radyo Trabaho team ng DZXL RMN Manila ngayong araw ang lungsod ng Taguig.

Ang motorcade ay nagsimula alas-7:00 ng umaga sa Puregold Lakefront hanggang Lake Shore

Sa Lunes, May 6, 2019 gaganapin ang job fair ang Jolly Management Solutions, Inc. na official radio partner ng DZXL 558 mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon sa Vista Mall, Tuktukan, Taguig City.


Mayroon ding libreng hair cut, medical check-up, eye check-up, oral check-up at hand and foot massage sa mga makikilahok sa nasabing aktibidad.

Bukod dito, may food feeding program din sa mga bata.

Ang isasagawang jobs fair ay sa pakikipagtulungan ng Department of Labor Muntaparlas and Public Employment Service Office (PESO) Taguig City.

Facebook Comments