Gown na gawa ng inmates, sinuot ng isang kandidato sa Bb. Pilipinas 2019

Image via Instagram/ Emma Tiglao

Sinuot ni Binibining Pilipinas candidate na si Emma Mary Tiglao, mula sa Pampanga, ang gown na disenyo ni Rich Sabinian at gawa ng mga inmates sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) bilang national costume.

Ayon kay Tiglao, ilalagay sa isang photo exhibit ang gown na sinuot niya sa Gateway mall Cubao sa Quezon City.

Kasama na rito ang mga litrato nila Catriona Gray, Jehza Huelar, Michele Gumabao at Eva Patilunhug.


Ibinahagi ito sa isang Facebook post ng BJMP Angeles District Jail “Kapampangan ku, Pagmaragul ku!” na sinasabing PDLs (Persons Deprived of Liberty) , isang tunay na Kapampangan pride.

“Intricate and classic, this modern Filipiniana gown represents the rich culture and heritage of Pampanga. It features a traditional furniture weaving pattern called silohiya and is accented with metal work carvings hailing from Apalit locally termed as “pinukpok”. All these elements come together in balance, radiating the immaculate beauty of the Virgin who is the patron of the province of Pampanga and is a symbol of light and hope,” pahayag sa Facebook post ni Emma Mary Tiglao.

Tinanghal na Bb. Pilipinas- Intercontinental 2019 si Tiglao. Isa siya sa anim na kinuruhanan at magrerepresenta sa bansa sa international beauty pageants.

Facebook Comments