Malugod na sinalubong ni Regional Director Police Chief Superintendent Graciano Jaylo Mijares ng PRO ARMM kahapon Agosto 14 kasalukuyang taon ang mga miyembro ng GPH-MILF Joint Normalization Committee o JNC at Ceasefire Mechanism kasabay ng kanilang pagbisita sa PRO ARMM Headquarters, Camp Salipada K Pendatun sa Parang Maguindanao.
Ibinahagi din ni ASEC Dickson P. Hermoso, Chairman of the Joint Normalization Committee ang lahat ng pangkalahatang-ideya at updates patungkol sa normalization program sa Bangsamoro partikular na sa aspekto ng seguridad. (MARY EUGENE AUSTERO, NDU BACOM4)
Facebook Comments