GPS Service sa mga Vehicle Owners, Mabilis na Mahanap kung Manakaw!

22

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City – Pinakamabilis na paraan ngayon na mahanap ang isang sasakyan na ninakaw ang paglalagay ng Global Positioning System o GPS service sa mga may ari ng sasakyan.

Ito ang binigyan diin ni PRO2 Regional Director PSupt Jose Mario M. Espino kaugnay sa pinakabagong pagnanakaw ng sasakyan at pagkahuli sa mga carnappers sa Tuguegarao City kahapon ng gabi, March 14,2018.

Ayon pa sa naging pahayag ni Espino sa ibinahaging kalatas sa RMN Cauayan, mas mainam umano na may GPS service ang mga sasakyan lalo na sa mga private owners upang mas mabilis na mahanap ito kung sakaling maging biktima ng carnapping.

Kinakailangan lamang umano na tawagan ang provider para mahanap ang sasakyan at ireport sa pinakamalapit na pulisya na may GPS ang sasakyan para masubay-bayan ito agad.

Samantala patuloy umano ang valley cops sa paglaban at pagharap sa mga kriminalidad dito sa rehiyon dos.

tags:Luzon, RMN News, DWKD 985 Cauayan, Jose Mario M. Espino

Facebook Comments