Grab driver hindi nagpabayad sa pasaherong maysakit ang anak

Screenshot via Facebook/Khaye Flores Crisologo

Taos-puso ang pasasalamat ng isang pasahero ng ride-hailing app na Grab car matapos tulungan isugod ang kanyang anak sa ospital.

Ikinuwento ni Khaye Flores Crisologo sa Facebook account ang pagiging good samaritan ni Rodriguez Bueza Santos Jr..

Aniya, napansin din ni Santos na iyak ng iyak ang bata kaya panay hazard at busina ng driver upang makarating agad sila sa emergency room ng De Los Santos Medical Center.


Pagdating sa ospital, inabot ni Crisologo ang bayad ngunit hindi ito tinanggap ng Grab river. Sinabi sa kanya na gamitin nalang ang pera para sa supling.

Ibinalik din ni Santos ang naiwang cellular phone ng babae dahil sa pagmamadali.

Basahin ang kabuuang post ni Crisologo para sa mabait na Grab driver:

Bumilib ang publiko dahil sa kabutihang loob ni Mang Rodriguez.

“Kuya your one of the best Grab driver in the world! God bless you hundredfold!!!👏🏽❤️”

Salute sayo kuya.. pagpalain kayo lagi nang panginoon saiyong kabutihan sa kapwa. Godbless po”

“God bless you Kuya🙏🏽😇. Sana pamarisan ka ng lahat ng Pilipino 👍🏽”

Sa kasalukuyan, mayroon nang 104,000 likes at 40,000 shares ang good news ni Crisologo.

Facebook Comments