Substitution ng nominado sa Duterte Youth, hindi pa aprubado ng Comelec

Nilinaw ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na wala pang aksyon ang Comelec En Banc sa inihaing petisyon ni National Youth Commission Chariman Ronald Cardema.

 

Layon nito na palitan niya ang mga nominado ng partylist group.

 

Sinabi  ni Guanzon na dadaan pa sa pag-apruba  ng komisyon ang substitution ni Cardema.


 

Una nang sinabi ng Comelec na ang huling araw ng subsitution ay sa mismong araw ng eleksyon at inihain ni Cardema ang petisyon nito lamang Mayo a dose o bisperas ng halalan.

 

Tinitingnan ng Comelec En Banc kung pasok sa lahat ng reglamento o panuntunan ang inihaing petisyon ng opisyal.

Facebook Comments