Manila, Philippines – Nagpapatuloy ang follow up operation ng Eastern Police District (EPD) hinggil sa pagkakaaresto ng isang Grab bike rider na nahulihan ng mahigit sa 30 sachet ng cocaine.
Ayon kay Pasig police chief, Senior Supt. Orlando Yebra, nais nilang matukoy kung sino-sino pa ang parokyano ng suspek na kinilalang si Edison Hernandez.
Sa interogasyon nila kanina sa suspek, hindi nito inamin kung sino-sino ang kanyang mga kliyente.
Pero base sa mga impormasyong hawak nila, malalaking personalidad at ang ilang ay anak pa ng pulitiko ang customer nito.
Kasunod nito tuloy din aniya ang kanilang pakikipagtulungan sa mga club bar at estabhlishments owners dahil kadalasan ay dito nagaganap ang iligal na transaksyon.
Kahapon sa follow up operation na ikinasa ng EPD, nakumpiska sa suspek ang mahigit 30 sachet ng coccaine na my street value na halos kalahating milyong piso.
Kasalukuyang nakakulong sa EPD ang suspek at nahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.