Idinaan sa social media ng isang Grab food driver ang pagkadismaya nito sa prank ng isang menor de edad na umorder ng 30 na piraso ng milktea na nagkakahalagang P2,250.
Ibinahagi ni Junize San Diego, concerned citizen, ang text conversation ni E. Dilan, Grab food driver, at ng customer na nag-order ito ng 30 pirasong milktea.
Bago man maideliver ang mga milktea, ay nagkansela na ito. Napagalaman ding 13 taong gulang lamang ang nag-prank ngunit hindi ito dapat ipagsawalang bahala lamang.
Ayon kay Dilan, pambili ng gatas ng kaniyang ang halaga ng inorder na milktea sa kaniya. Ikakaltas kasi ito sa kaniyang sahod.
Nagkaroon ng kasunduan ang guardian ng menor de edad at Dilan. Binayaran ang halaga ng milktea at sinabing wala na siyang hahabulin na liability.
Samantala, sinusulong namang ng mga netizen na dapat magbayad muna online bago bilhin ng mga food drivers ang mga inoorder.
Hinikayat ni Junize na huwag tularan ang mga vloggers o influencers na nagpapauso ng mga prank. Sinabi niyang iwasan ang fake bookings at cancellation ng order dahil nagt-trabaho lamang ng marangal ang food drivers.