Grizzlies PG Avery Bradley bagong miyembro ng Los Angeles Lakers

146
Image via NBA.com

Nakatakdang maglaro sa Los Angeles Lakers ang Memphis Grizzlies point guard na si Avery Bradley.

Ayon sa ulat ng ESPN nitong Lunes, pipirma ng kontrata si Bradley sa koponan ni Lebron James matapos ma-clear ang mga waivers niya.


Sa ilalim ng two-year contract deal, tatanggap si Bradley ng sumatotal na $9.7 million o mahigit P498 billion. Simula 2017, target ng Lakers sa trade talks ang basketbolista.

Nagtala si Bradley ng average 16.1 points at 4.0 assists habang naglalaro sa Memphis.

Dahil sa nangyaring trade, inaabangan ng fans ang sanib-puwersang lakas nina Lebron, Bradley, Anthony Davis, DeMarcus Cousins, Danny Green para muling makamit ang inaasam na kampyeonato sa NBA.

Huling nagwagi ang Lakers sa NBA Finals taong 2010 nung naglalaro pa sina Kobe Bryant at Pau Gasol.

Facebook Comments

From Advertisers