Manila, Philippines – Nag alok ng P100,000 pabuya ang Grab Philippines sa makakapagbigay impormasyon o makakapagturo sa pumatay sa Grab driver na si Gerardo “Junjie” Maquidato.
Ayon kay Grab Phil. Head Brian Cu nakausap nila ang maybahay ni Gerardo at hiniling nitong tulungan silang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang asawa
Naniniwala si Cu na responsibilidad nila si Maquidato kung kaya’t tutulong sila para madakip kung sino man ang nasa likod ng pagpatay sa isa nilang mahuhusay na grab driver-partner.
Maliban sa reward money, nagbukas din ng hotline ang Grab para sa may mga impormasyon sa pumatay kay Gerardo.
Maaari aniyang tumawag o magtext sa mga numerong 09176178731.
Si Maquidato, ay pinatay kamakailan makaraang magbook sa kanya ang hindi pa nakikilalang salarin at tinangay pa ang minamaneho nitong kulay silver na Toyota Innova sa Bonanza Street Pasay City.