Manila, Philippines – Nagpaliwanag na sa LTFRB ang Transport Network na Grab kaugnay ng pagkakasangkot ng Grab Express driver nito sa pagde-deliver ng 28 grams ng cocaine.
Batay sa statement ng Grab, nilinaw nito na hindi nila kukunsintihin ang mga driver partners nila na masasangkot sa matiwaling gawain.
Hindi rin ito mangingimi na isumbong sa otoridad ang mga tauhan nila na sangkot sa drug trafficking.
Wala ring nag-reflect sa Grab payment platform ni Edizon Hernandez na magpapakita ng history ng transaction.
Bagamat una nang sinabi ni Grab Express driver na si Edizon Hernandez na ang package na may lamang cocaine ay para sana sa costumer na isang IT employee na nasa address na Metrowalk sa Barangay Ugong sa Pasig City.
Facebook Comments