GRABE! | Beef noodle soup na kasing-presyo ng isang buhay na baka – mabibili ngayon sa isang resto sa China

Isang Chinese restaurant sa Shijiazhuang, Hebei province ang viral ngayon dahil sa pagbebenta ng pinakamahal na beef noodle soup sa buong mundo.

Ang kanilang “Haozhonghao Beef Noodle Soup” ay nagkakahalaga lang naman ng 13,800 yuan o katumbas ng mahigit 100-libong piso!

Kung tutuusin, mas mahal pa ito sa presyo ng isang buhay na baka!


Ayon sa manager ng restaurant na si Mr. Yan – gawa sa 12 sobrang mahal na ingredient ang kanilang beef noodle soup – apat mula sa langit, apat mula sa lupa at apat mula sa dagat… bagay na hindi na niya idinetalye kung anu-ano ang mga ito.

Sa sobrang mahal nga raw ng mga ingredient nito, halos wala na rin siyang kinikita.

Labindalawang chef din aniya ang nagluluto nito na kailangan mong orderin isang buwan bago mo ito kainin.

Kaya kung sa tingin ng ilan ay simpleng typo error lang ito sa kanilang menu, nagkakamali kayo dahil ito raw talaga ang presyo nito.

Facebook Comments