GRABE! | Dyaryo na may mukha ng Presidente ng Turkmenistan – ginagawang toilet tissue

Ini-inspeksyon ngayon ng Turkmenistan police ang lahat ng mga public at private toilets sa kanilang bansa.

Kasunod ito ng ulat na ginagamit raw toilet paper ang mga dyaryo na may larawan ni President Gurbanguly Berdymukhammedov.

Ayon sa otoridad, offensive daw ito para sa Pangulo na pwede pang mauwi sa mga seryosong consequence.


Samantala, agad na sinibak sa trabaho ang direktor ng isang eskwelahan matapos na makunan ng ebidensyang ginagamit ngayong toilet paper ng kanilang mga estudyante ang mga dyaryo na may mukha ng kanilang Pangulo.

Paliwanag ng ilan, dahil sa nararanasang economic crisis sa Turkmenistan, napipilitan na lang daw silang gumamit ng dyaryo kesa bumili ng toilet paper.

Wala naman daw silang magagawa kung halos puro mukha na lang ni berdymukhammedov ang laman ng kada pahina ng nabibili nilang dyaryo.

Facebook Comments