NBA | Mga dismayadong fans sa Cavs-Warriors rivalry sa NBA Finals – sinagot nina Lebron James at Klay Thompson

Sinagot nina Lebron James at Klay Thompson ang reklamo ng ilang basketball fans kung bakit palagi na lang daw Cleveland Cavaliers at Golden State Warriors ang naglalaban sa NBA Finals.

Sabi ni Lebron, kung gusto raw ng mga dismayadong fans sa ibang teams, dapat ay talunin muna ang Cavs at Warriors.

Sagot naman ni Thompson, hindi kasalanan ng dalawang koponan kung sila ang laging umaabot sa Finals.


Dapat aniya na galingan pa ng ibang team para sila naman ang makatungtong sa championship.

Samantala, kung may dismayado, marami naman ang excited na para sa game 1 bukas.

Facebook Comments