Uganda – May buwis na ang paggamit ng mga social media account sa Uganda!
Ito ay matapos na maipasa sa nasabing bansa ang batas na nagpapataw ng hanggang 200 Ugandan shillings (halos 3 pesos) na buwis sa kada araw na paggamit ng lahat ng uri ng social media gaya ng Facebook, Skype, WhatsApp, Viber, Twitter, etc.
Ipatutupad ang batas epektibo sa July 1.
Ayon kay President Yoweri Musevenu, paraan nila ito para labanan ang sinumang nagpapakalat ng tsismis sa social media.
Nabatid na 41% o 17 million mula sa mahigit 44-million na kabuuang populasyon ng uganda ang gumagamit ng internet.
Facebook Comments