Grace Padaca, Nagbahagi ng kaisipan para sa araw ng mga kababaihan!

Cauayan City, Isabela- Ibinahagi ng dating Isabela Governor at COMELEC Commissioner Grace Padaca ang kahalagahan ng kababaihan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Padaca, sinabi nito na malaki ang kontribusyon ng mga kababaihan sa lipunan.

Aniya, hindi dapat minamaliit ang kakayahan ng mga kababaihan dahil marunong umano ang mga ito lalo sa paggawa ng tamang desisyon sa buhay.


Dagdag pa ni Padaca, karamihan sa mga babae ngayon ay nakikitaan ng katangiang pagiging matatag, matapang at may integridad.

Kaugnay nito, marapat lamang na irespeto ang mga babae dahil sila ang katuwang ng mga kalalakihan sa lahat ng bagay lalo sa usaping pampamilya.

Nakikipagsabayan na rin anya sa lakas ng kalalakihan ang mga babae sa ngayon sa anumang larangan.

Bilang isang babae, sinabi rin ni Padaca na hindi siya nahirapang makihalubilo sa mga lalake base na rin sa kanyang mga karanasan sa pulitika.

Masaya rin si Padaca na nakapagbigay siya ng inspirasyon sa iba sa kanyang magandang nagawa na maaari nilang tularan na siya umanong ikakarangal at hindi ikakahiya.

Samantala, naniniwala naman si Padaca na walang pinipiling kasarian ang usaping korapsyon sa bansa.

Facebook Comments