Grace Poe, pinagpapaliwanag ang DOTr sa lumalalang problema ng MRT-3

Kinuwestiyon ni Senator Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng aniya’y “lumalalang kondisyon” Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Miyerkules.

“Halos linggo-linggo na ang aberya sa MRT. Bakit parang lumalala pa ang kondisyon ng train habang kinukumpuni ito?” pahayag ni Poe.

Ayon kay Poe, na chairman ng public service committee, dapat na ilatag ng DOTr sa publiko ang ginagawa nitong aksyon sa problema ng MRT-3.


“The DOTr should explain to the people how it intends to solve this to allay the fears of the passengers,” dagdag ng senador.

Giit ni Poe, dapat aniya’y nakikitaan na ng pagbabago sa operasyon ng linya ang ginagawang maintenance.

“The ongoing maintenance work being undertaken by Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries-TES Philippines should start making a difference in the train’s daily grind,” ani Poe.

Iginiit ng senador na mahalaga ang kaligtasan at ginahawa ng sandaang libong commuter na sineserbisyuhan ng MRT-3 araw-araw.

Umaga ng Miyerkules nang pinababa ang nasa 850 pasahero ng tren dahil depektibong pinto.

Paliwanag ng management ng MRT-3, maaring sanhi ng aberya sa pinto ang puwersa sa pagsandal-sandal dito o kaya naman ay sapilitang binuksan.

Facebook Comments