Grade 1 pupil sa Iligan patay matapos malunod

159

ILIGAN CITY- Patay nang matagpu-ansabado ng umaga ang isang grade 1 pupil matapos ito malunod sa tubig baha noongbiyernes ng hapon sa may talontunan Barangay Pugaan dito sa lungsod ng Iligan.   Maagang pinauwi ng kanilang guro angkanyang mga pupils noong biyernes ng hapon dahil sa lakas ng ulan at kabilangna diyan ang biktimang si Patricia Recadoria, ng talontonan elementary school.   Ayon kay Pugaan Barangay Kagawad IkeSumanoy na nasanay na ang biktima na maghintay talaga sa kanyang kuya na siyangkukuha sa kanya sa paaralan.   Pero noong araw na yun ay hindi nasiya naghintay ng kanyang kuya at tumawid ito sa isang maliit na ilog kahit pamalakas ang ulan at baha na siyang dahilan ng kanyang pagkalunod.   Wasak ang ulo, pasa at sugat angnatamo ng nasabing biktima at patay na itong nakita kina-umagahan.   Sa kanilang bahay ng nasabingbarangay nakahimlay ang labi ng biktima.(GHINER L. CABANDAY, RMN-DXIC ILIGAN)

Facebook Comments