Isang Grade one student sa Brgy. San Vicente Elementary School, Sta. Maria, Pangasinan ang dinala sa Estrella Hospital matapos umanong bugbugin at tusukin ng lapis sa ulo ng tatlong kaklase habang oras ng klase.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng mataas na lagnat at patuloy na pagsusuka ang bata matapos ang insidente. Gayunman, hindi agad naasikaso ang pasyente dahil sa dami ng mga nasa emergency room.
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan naman ang Principal at guro ng mga mag-aaral sa pamilya ng estudyante upang talakayin ang insidente. Ayon sa impormasyon, naantala ang pag-aksyon dahil naka-leave noon ang principal. Sa kasalukuyan, hinihintay pa ang resulta ng CT scan at X-ray ng bata.
Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









