Grade 10 Student, Arestado sa Pag-iingat ng Marijuana!

76

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ngayong araw ang 15 anyos na lalaki na naaresto ng mga otoridad sa paggamit at pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot sa Brgy. Bannawag, Aurora, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt Renz Marion Baloran, hepe ng PNP Aurora, dakong alas 3:00 ng umaga noong Enero 12, 2020 nang masita ng mga barangay Tanod ang suspek na itinago sa pangalang “Junjun”, 15 anyos, grade 10 at residente ng Brgy. Sta. Rosa, Aurora, Isabela dahil sa kahina-hinala nitong galaw.


Nang lapitan ng mga tanod ang suspek ay kinausap ito na ipakita ang laman ng dalang bag hanggang sa nakumpirma na naglalaman ito ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na ibinalot sa papel, dalawang (2) vapes, tatlong (3) cellphones, chargers, pocket wifi, dalawang (2) lighter at isang motorsiklo na walang plaka.

Ang suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng PNP Aurora at posibleng maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments