Maguindanao host ng BARMMAA 2020

650

Handa na ang Maguindanao Schools Division na host para sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Athletic Associastion o BARMMAA 2020
Gagawin ang Palarong BARMMAA sa bayan ng Upi sa Maguindanao mula January 16 hanggang January 21.
Tinatayang humigit kumulang sa 3000 mga delegado mula sa mga Schools Divison ng Tawi Tawi, Sulu, Maguindanao 1 and 2, Lanao Del Sur 1 and 2 Marawi City , Lamitan City at Basilan .
Kaugnay nito , naglaan naman ng cash incentives sa lahat ng mga atletang makakasungkit ng medalya. 3K para sa Gold, 2K para sa Silver at 1K naman sa Bronze ayon pakay Maguindanao 2 Schools Division Supt Bai Mariam Kawit sa naging panayam ng DXMY.
Samantala bukod sa uniform , binigyan rin ng Branded Shoes ang mga atleta mula Maguindanao Schools Division .
Pinasalamatan naman ni Kawit ang lahat ng LGU sa lalawigan na nagpaabot ng suporta sa BARMMAA. Matatandaang nauna na ring nagpaabot ng financial na tulong ang Provincial Government sa dalawang Division ng lalawigan.
Nagpaabot na rin ng kanyang pagbati si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa lahat ng mga delegates, mapa atleta at coaching staff ng ibat ibang Schools Division.
Isa rin aniyang karangalan at maituturing na makasaysayan ng maging Host Province para sa kauna-unahang BARMMAA , habang umaasa rin ito na mai-enjoy ng mga delegado ang mga Sport Event at mamayagpag ang tunay na talento ng mga atletang bangsamoro dagdag ng Gobernadora.
PGO Maguindanao Pic

Facebook Comments