Grade 10 Student, Nagpakamatay Matapos Umanong Hiwalayan ng GirlFriend

3286

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang 16 taong gulang na binatilyo matapos itong magpakamatay sa Barangay Antagan 1st, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Johnbee Bartolome, grade 10 student at residente rin ng barangay Antagan 1st.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj Rolando Gatan, hepe ng PNP Tumauini, lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga imbestigador, pasado alas 5:00 ng hapon noong September 26, 2020 ay nagtungo ang biktima sa pinagpapastulan ng kanilang kalabaw.

Dito ay nagpadala ang biktima ng mensahe at larawan ng lalagyan ng soft drinks na naglalalaman ng powder na hinihinalang pesticide sa facebook ng kanyang kaibigan.

Nagsimula na rin maghanap ang pamilya ng biktima dahil sa hindi nito pag-uwi sa mismong araw na iyon.

Kinaumagahan ay nadiskubre na lamang ng pinsan ng biktima na si Apple Acenas ang nakahandusay at wala nang buhay na katawan ng biktima na may kasamang plastic bottle na naglalaman ng pesticide partikular sa river control ng Purok 6 ng nasabing barangay.

Ayon kay PMaj Gatan, bago ang insidente ay nabatid na problemado umano ang biktima matapos itong hiwalayan ng kanyang kasintahan.




Napag-alaman din na nagpatiwakal din ang ama ng biktima noong taong 2009 dahil naman sa ‘third party’.

Facebook Comments