Grade 10 studentpatay matapos magbigti

*Malay, Aklan – Patay ang isang Grade 10 student matapos na magbigti kagabi sa isang barangay sa bayan ng Malay.*
*Base sa report na nadatnan lamang ng isa sa mga kaanak ang biktima na nakabitay sa sala ng kanilang bahay gamit ang lubid.*
*Agad namang humingi ng tulong ito sa mga tao sa lugar at tinanggal ito sa pagkabigti at sinubukan pa nila itong i-revive pero hindi na nagresponse kaya isinugod na lang ito sa hospital pero idineklarang dead on arrival ng kanyang doktor.*
*Hindi lang ito ang unang beses na pinagtangkaan ng biktima ang kanyang buhay dahil noong buwan ng Enero ay naabutan rin ito ng kanyang mga magulang na tangkang magpapakamatay.*
*Napag-alaman naman na bago ginawa ng biktima ang pagpapakamatay ay nag video pa ito sa kanyang cellphone.*
*Hindi rin malaman ng mga magulang ng biktima kung ano ang tunay na dahilan ng pagpapakamatay nito, pero naniniwala ang mga ito na walang foul play.*
NOTE:
Ang lahat ng problema may solusyon. Kung ikaw ay may problema at gusto mong makahanap ng kausap, tumawag lamang sa HOPE hotline ng DOH-Center for Health Development sa Western Visayas sa numero.
*1-800-10-333-8336 *0998-532-4047 *0917-775-9256 *0925-546-9919

Facebook Comments