Grade 11 Student, Arestado sa kasong Panggagahasa!

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng mga awtoridad sa bisa ng mandamiento de aresto ang isang Grade 11 Student sa kasong Panggagahasa  sa kanya sa Brgy. San Franscisco, Cauayan City, Isabela bandang 3:30 kahapon, July 4, 2019.

Pansamantalang itinago ang pagkakakilanlan ng estudyante na pawang 18 anyos na residente sa nasabing barangay.

Ipinalabas ni hukom Raymund Aumentado ng Branch 20 Cauayan City ang warrant of arrest sa nasabing kaso na nagresulta sa pagkadakip ng akusado


Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan nito.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Cauayan City ang akusado para sumailalim sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments