PNP, nakahandang tumulong sa pediatric vaccination

32

Tutulong ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Health (DOH) para sa isasagawang pediatric vaccination sa susunod na buwan ng mga edad mula 5 hanggang 11.

Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, may template na ang PNP para dito.

Aniya pa napatunayan na ng PNP ang kanilang kakayahan sa pag secure sa mga vaccination site at pag-deliver ng bakuna sa mga nakalipas na vaccination Drive.


Dagdag pa ni PNP Chief, magiging available din ang PNP Medical Reserve Force para magsilbing vaccinators.

Naghihintay nalang aniya ang PNP ng specific instructions para sa susunod na bakunahan.

Facebook Comments