Grade 11 Student, Huli sa Buy-bust Operation

213

Cauayan City, Isabela-Inaresto ng mga tauhan ng City of Ilagan Police Station ang isang Grade 11 student sa ikinasang drug buy-bust operation pasado alas-9:20 kagabi sa Brgy Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Sa imbestigasyon ng PNP, kinilala ang suspek na si Carlos Macaraeg, 17-anyos at residente Villa Margarita Subd., Brgy Imelda Bliss Village, City of Ilagan, Isabela.


Positibong nabilhan ng isang operatiba ang suspek ng isang (1) pakete ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Narekober sa binta ang isang P500 buy-bust money at kinumpiska rin ang dalawang (2) cellphone nito maging ang motorsiklo ginamit sa transaksyon.

Nabatid na kabilang sa drug watchlist ang suspek.

Nahaharap ngayon si Macaraeg sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Facebook Comments