1,500 doses ng Spuntik V vaccines, dumating na sa Northern Mindanao

29

Natanggap na ng Northern Mindanao ang unang batch ng Sputnik V COVID-19 vaccine na gawa sa Russia.

Lumapag sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental nitong umaga ng Miyerkoles ang nasa 1,500 doses ng Sputnik V vaccines kasama ang 9,600 doses ng Sinovac vaccines.


Ang Sputnik V vaccines ay bahagi ng 50,000 doses na dumating sa Pilipinas na ipapamahagi sa NCR Plus 8 at iba pang lugar sa bansa na may mataas na kaso ng COVID-19.

Dadalhin sa mga ospital at Local Government Unit (LGU) ang mga bakuna, kung saan ang Sputnik V doses ay ilalaan sa mga health worker.

Facebook Comments