Grade 11 student, Pinaghahanap Matapos Malunod!

*Angadanan, Isabela- *Pinaghahanap pa ng mga otoridad ang isang grade 11 student na dalagita matapos malunod kahapon sa Cagayan River ng Brgy. Pappat, Angadanan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nagtungo sa ilog ang biktima na kinilalang si Kristine Joy Dela Cruz, 16 anyos at residente ng nabanggit na barangay kasama ang isang kapatid at mga kaibigan.

Pumunta umano sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima na dahilan ng kanyang pagkalunod.


Sinubukan pa umanong humingi ng tulong ang biktima subalit hindi na ito nasagip ng kanyang mga kasama.

Sa ngayon ay patuloy pa ang search and rescue operations ng mga otoridad sa katawan ng nasabing estudyante.

Facebook Comments