Grade 4 Student, Isinugod sa Ospital nang Mabitak ang Labi!

272

Cauayan City, Isabela- Dinala sa pagamutan ang isang Grade 4 student na bata nang aksidenteng tumama sa sahig ang labi nito habang nasa loob ng klase sa Cauayan South Central School kahapon.

Ayon sa Rescue 922, naglalaro umano ang biktima na itinago sa pangalang “Jay”, 10 taong gulang, residente ng Villarta St. Brgy. District 1, Cauayan City at habang tinatakpan nito ang kanyang tuhod gamit ang kanyang damit ay aksidente itong natumba at tumama ang labi sa sahig.


Sa lakas ng pagtama ng kanyang bibig ay nabitak ito na agad namang sinaklolohan at dinala sa pagamutan.

Sa ngayon ay kasalukuyan nang nagpapagaling ang biktima matapos na sumailalim sa medical procedure at matahi ang kanyang nabitak na labi.

Facebook Comments

From Advertisers