Grade 5 na Estudyante, Patay Matapos Malunod!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang babaeng Grade 5 student matapos malunod sa Barangay Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Valerie Concepcion, siyam na taong gulang, grade 5 student at residente ng naturang ng nasabing barangay.

Batay sa pagsisiyasat ng PNP Cauayan City, bandang ala una kahapon nang magkayayaan ang biktima at kanyang mga kapitbahay na kaibigan na maligo sa ilog.


Sumisid umano ang biktima subalit hindi na nagpakita sa kanyang mga kasama mula ng sumisid ito sa naturang ilog.

Samantala, dakong alas singko kaninang hapon, June 15, 2018 ay natagpuan na ang wala ng buhay na katawan ng biktima sa Brgy. Labinab, Cauayan City.

Facebook Comments