Anim na Katao na Wanted sa Batas, Natimbog ng PNP!

Nadakip na ng kapulisan ang anim na kataong Wanted sa batas na kinabibilangan ng dalawang Most Wanted sa isinagawang Manhunt Charlie dito sa lambak ng Cagayan.

Batay sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan, kinilala ang mga nadakip na sina Wilson Natividad, dalawampu’t tatlong taong gulang, walang asawa, magsasaka, top 2 Most Wanted sa Municipal level, at Allan Biso, dalawampu’t pitong taong gulang, may asawa, at Top 3 Most Wanted naman sa Municipal level na pawang mga residente ng Brgy. San Rafael, Roxas, Isabela.

Nadakip rin ng kapulisan ang apat pang Wanted sa Batas na kinabibilangan nina Jay-Ar Aguinaldo, dalawampung taong gulang, studyante at residente ng Ramon, Isabela at Rey Lozano, apatnapu’t walong taong gulang, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Liuan Rizal, Cagayan dahil sa kanilang kasong Pagnanakaw.


Arestado rin sina Richard Gauani, limampu’t dalawang taong gulang, may asawa, isang tanod at residente ng Brgy. Gumarueng, Piat Cagayan sa kasong Frustrated Murder at si William Dela Cruz ng Brgy. Sandiat East, San Manuel na may kasong Paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and their Children.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga suspek na ngayon ay mahaharap sa kani-kanilang mga kaso.

Facebook Comments